in loving memory...

7
3:48:00 PM

Got a call from my mom. A sad news about a person who's very close to me... my childhood friend. He passed away. I was really shocked. He committed suicide. and the reason behind it? He was badly in love with this girl who doesn't even care about him... Jesus Christ! I couldn’t believe my ears. I can't blame him. Coz I know exactly how it feels to be heartbroken.. A lot of people misunderstood him, calling him "bastard" and a "no-good son". but we, he's friends, knew the kind of person he was inside-out.. He treated us all nicely... He comes out so tough, but like everyone else, He's also dealing with his own shortcomings and flaws. Yeah! He’s such a stubborn kiddo but take it from me, he's one hell of a friend! I felt sad for his mom.. He's a "mama's boy". I’ll definitely gonna pray for her. I know the way he love. Like me and most of my friends, we are willing to give everything up for the person we truly love. it was just sooo sad how strong love can be.. It’s the reason why I was miserable for a long time. And it’s now the reason for the sudden death of my friend.. I still remember a certain line from my friend, He was under the influence of alcohol that time, and He told me this…
"When I love someone, my entire world revolves around that person.. I will give my all, I no longer think about myself anymore. Now I’m just waiting for the right one and I hope she can take all the love that I can give..."
I can feel his sincerity at that very moment.. A drunken lover speaking from the heart. Whoever this girl is, wherever you are... I hope you are happy now!

My mom called me up coz she was sooo worried about me...
Like my friend, I'm thousand miles away from them too...
She was worried coz she knew I’ve been into that love-struggles before, And I just gave her assurance that I will never be in that kind of situation ever again...
I Love You Ma!

My dear friend,
I am actually now in the process of knowing the right one for me, And like you,
I also hope that this person can take all the love that I can wholeheartedly give...

Hope you're happy now wherever you are.
I will never forget you my friend.
May you Rest in Peace!


PS: take care of my beloved up there... I'll miss you both! :'(



7 comments:

share with me your thoughts (wyteheart)

I Love You

4
7:09:00 PM
The very first card i got from a very special person in my life...
you know who you are.... sorry for putting your card here...
oopps! it's "my card" now... hahaha
you have no choice sweetie... *winks*



THANK YOU SO MUCH FOR THIS!
you have no idea how happy i am..
for the efforts, for the love...
i truly appreciate it...

I will never ever forget this line of yours,
"I'M DYING TO TALK TO YOU!"
hehe.. that's it!
you just got me there...

YOU honestly turned out to be the love i never knew i wanted...
i want you to take just one moment to look into my eyes,
so you'll see how much I've been loving you all this time...
I'm happily in love with you, and i wanna keep it this way...

i can hurt myself just for you,
i can forget myself just for you,

I LOVE YOU....
more than words can say...



4 comments:

share with me your thoughts (wyteheart)

Para sa'yo mahal kong Ina...

5
11:57:00 PM

Natatandaan ko pa nung sinabi nyo sa akin to...

"alam ko na pinalaki kita ng maayos,
na isang mabuting tao,
kaya wala akong dapat ipag-alala,
kung sakali man na ika'y magpasyang lumayo
para hanapin ang kaligayahang nawala sayo..."


Hindi ko man masabi sa inyo kung gaano ako nagpapasalamat
at kayo ang naging magulang ko,
Nais ko lang malaman nyo
na sa bawat madilim na daang tinatahak ko,
sa bawat saya at lungkot na pinagdaanan ko,
at sa bawat pagsubok na hinarap ko ng mag-isa
ang pagmamahal at paniniwala nyo sa akin,
ang syang tangi kong kinakapitan...

Alam kong medyo nagtatampo kayo sa akin ngayon,
at alam kong lubos kayong nag-aalala sa aking pagkawala,
Nais ko lang humingi ng paumanhin sa inyo at sa mga kapatid ko...
kung medyo naging matagal yung pagpapagaling ko...

Sa unang pagkakataon ay hinayaan nyo akong maging malaya..
ilang araw din ang tinitiis ko sa matinding pangungulila sa inyo,
sana kasama ko pa rin kayo dito ngayon...
sana katabi ko kayo sa oras na ako'y kakain
sana nakakakwentuhan ko kayo bago ako matulog...
at sana ngiti nyo pa rin ang una kong nakikita
sa bawat umaga na ako'y gumigising...

hindi po madali ang mag-isa,
nahihirapan ako, pero alam ko na kakayanin ko rin 'to.
Pasensya na po kung hindi ako pumapayag na tumawag kayo,
alam ko kasi na nahihirapan na rin kayo dyan,
ayaw kong gumastos pa kayo..
Pasensya na rin po kung hindi man ako tumatawag sa inyo,
alam ko kasi na iiyak lang kayo pag makakausap nyo ako eh.
miss na miss ko na po kayo...

wag po kayong mag-alala,
makakauwi rin po ako balang araw...
babalik din po ako dyan...
alam kong nasasabik na kayong makita ulit ang panganay nyo..

alam ko na wala po kayong ideya sa mga ginagawa ko dito.
nais ko lang po na malaman nyo,
na ginagawa ko po lahat ma,
hindi po ako naging pasaway dito,
naging mabait po ako sa lahat ng taong nakakaharap ko,

mahal na mahal ko po kayo,
si papa at mga kapatid ko...
lahat po ng ito ay ginagawa at tinitiis ko,
para sa inyo, sa pamilya ko...

alam kong hindi ko mapapantayan ang pagmamahal at pag-aaruga
na sa akin ay inalay nyo...
nais ko lang pong malaman nyo,
na hangad kong mapaligaya kayo sa paraang alam ko...

mama,
sinusubukan ko pong maging isang mabuting tao...
para po sa inyo,
para sa pagdating ng panahon na magkakasama ulit tayo
ay maipagmamalaki nyo po ako...

maraming salamat po..

5 comments:

share with me your thoughts (wyteheart)

Hiling

4
11:35:00 AM


para sayo...

para sa akin...

at para sa kanya...





Kay tagal na rin mula ng mawala ka,
ilang buwan na rin ang lumipas,
Sa kabila ng aking pangungulila
ay kaligayahan pa ring maituturing ang katotohanang
masaya ka na saan ka man naroroon ngayon.

Matapos ang isang napakahabang paglalakbay
mula sa isang malungkot na paghihiwalay,
eto na ako... sa wakas...
unti unti ko nang naibabalik sa dati ang buhay ko..

Sa gitna ng aking pagsusumikap na makabangon muli
ay isang tao ang umaalalay sa akin...
sa kabila ng aking pagiging masungit at matigas ang ulo
pinagtyatyagaan nya pa rin ako...

Batid ko na eto rin ang gusto mo...
na makatayo akong muli...
magmahal ulit...
at maging masaya...

Nais ko lang sabihin
na kailangan ko ng magpaalam sayo...
sapagkat natututunan ko na syang mahalin..
maligaya ako sa pagmamahal na ibinibigay nya...
at masaya ako sa pagmamahal sa kanya...

kahit hindi nya sabihin,
alam ko na nasasaktan sya pag binabanggit kita sa kanya,
na iniisip nyang mas mahal pa rin kita,
at hindi pa ako handang magmahal ng iba...

batid ko na ako'y lihim mong pinagmamasdan,
dinggin mo sana itong aking munting hiling...

"patawarin mo sana ako sakaling makalimutan man kita...
kailangan na kitang alisin sa puso ko,
dahil gusto kong ibigay ito sa kanya ng buong buo...
gagawin ko lahat para sa kanya...
at tanging pangarap ko lang ang mapaligaya sya..

sa isa pang pagkakataon...
handa na akong ialay ulit ang buong buhay ko
para lang sa kanya..."




4 comments:

share with me your thoughts (wyteheart)

Views