sana...

29
1:45:00 PM

ito'y buong puso kong isinulat para sayo
sa kabila ng masakit na katotohanan
na kahit kailan ay hindi mo malalaman
na ikaw ang siyang tinutukoy ng liham kong ito.

alam mo ba...
kahit hindi ka magsalita,
buo na araw ko nasa tabi lang kita.
sana mabanggit mo kahit minsan,
na naging masaya ka dahil ako ang iyong kasama.

Handa akong ipagsigawan sa buong mundo
ang tunay kong nararamdaman sayo...
at alam kong kahit ikaw ay nasa tabi ko pa
hindi mo rin maririnig ang tibok nitong puso ko,
ang puso kong nanghihina kasisigaw ng pangalan mo...

Sa kabila ng kirot at sakit dito sa puso ko
na dulot ng labis kong pagmamahal ko sayo
ay ikaw pa rin magpa-hanggang ngayon
ang dahilan kung bakit tumitibok pa ito...

pagmasdan mo ang mga luha ko,
para maunawaan mo ang laman ng aking puso,
at nang maramdaman mo ang pag-ibig ko sayo
na nakakubli sa bawat patak nito...

hindi ko magawang ilihim ang pananabik sayo
ang maging bahagi sa bawat daang nilalakbay mo,
ayaw kong sundan ang mga yapak na tinatahak mo,
ngunit bakit ganito...?
hindi ko maihakbang ang mga paa ko papalayo sayo..

wala na akong lakas pa
hindi ko na maitago ang luha sa aking mga mata..
at hindi ko na rin kayang pigilan pa
ang aking mga ngiting dahan dahan nang nawawala...

hindi ko hihilingin na ibsan mo ang aking kalungkutan,
bigyan mo lang ako ng kaunting pag-asa,
na balang araw ay makakalimutan din kita.
Na isang araw, mawawala ka na rin sa isip ko
at tuluyan ng maglalaho sa loob ng puso ko...

sana...
maintindihan nitong aking isipan,
na kailanman ay hindi mo magagawang tandaan,
ang mahahalagang bagay na hindi ko kayang kalimutan…



at sana...
matanggap nitong aking puso,
ang katotohanan na mas magiging masaya ka
kung wala ako sa buhay mo...

29 comments:

share with me your thoughts (wyteheart)

sa maikling sandali...

28
12:25:00 PM
Kung sakaling may magmamahal sa akin,
gusto ko mahalin nya ako ng walang dahilan,
nang sa ganung paraan,
wala ring dahilan para ako'y kanyang iwanan..


Kung pagbibigyan ako ng isang pagkakataon
isang kahilingan para sa buong magdamag
pipiliin kong bumalik sa aking kahapon
at kung maari sana ay kasama ka...

Nais kitang isama pabalik sa nakaraan ko
para maipakilala ko sayo ang sarili ko
ang simpleng pamumuhay na meron ako
at ang dalisay na pagmamahal
na minsan ay nanirahan sa puso ko.

Isang saglit lang
para maipadama ko sayo
na bago nawasak itong puso ko
minsan sa buhay ko ay nagmahal din ako ng totoo...
isang gabi lang
para maunawaan mo,
na kaya ako nasaktan ng ganito,
ay dahil pinili kong maging maligaya
ang taong pinakamamahal ko...

Maikling panahon lang
makasama ko ang taong minamahal ko,
kahit sandali lang
hindi ako matatakot yumakap sayo,
at sana sa isang saglit man lang
magawa mong mahalin ako,
gaya ng pagmamahal ko sayo...

Isang hiram na pagkakataon,
para makita mo ang lungkot sa mga mata ko...
Isang maikling sandali sa tabi mo,
para maipadama ko sayo
kung gaano ka kahalaga sa buhay ko...


Sa huling sandali ng gabing yun,
Nawa'y mabigkas ko sayo
ang bawat salitang matagal ko ring pinag-aaralan,
mga liham na nakakubli sa naguguluhan kong isipan,
at mga hikbi na kay tagal kung itinago sa aking kalooban..

At sa huling yugto nitong hiram na sandali,
magawa ko sanang iiyak
ang lahat ng sakit na bumabalot sa puso ko
para bukas sakaling magising man ako,
ay wala ng "IKAW" at LUHAng hahadlang pa
sa panibagong buhay na sisimulan ko...

28 comments:

share with me your thoughts (wyteheart)

sayo lamang...

17
2:27:00 PM


kung nasasaktan mo man ako
ako'y nagpapasalamat pa rin
dahil pinapaalala mo sakin
kung gaano kita kamahal...



Patawad,
alam ko marami akong pagkukulang sayo
marami akong mga bagay na nagawa
na hindi mo nagugustuhan...
at may mga nasasabi ako,
na ikinasasama ng iyong kalooban.

Sa kabila ng lahat ng dahilan na ibinibigay ko
para ako'y iwanan mo...
Hindi mo pa rin ako binibitawan..
Hindi mo na kailangang sabihin pa
ang iyong walang katumbas na pagmamahal,
sapagkat dati pa man,
ito'y nadarama ko na...

kahit wala kang binabanggit,
at sinusubukan mong wag nalang magsalita,
alam ko na may dinaramdam ka,
ang totoo nasasaktan din ako
sa tuwing nasasaktan kita....

Sa bawat sambit mo ng salitang "OK"
gustong gusto kitang yakapin
dahil alam kong may lungkot sa likod ng salitang yan,
nais ko lang maramdaman mo na andito pa ako
hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko sayo.

Wag mo sanang isipin
na hindi ko pa rin sya nakakalimutan.
dahil ang totoo matagal na,
pinakawalan ko na ang mga alaala nya,
para bumuo ng panibagong alaala kasama ka.

masaya ako pag andyan ka,
Sa'yo lamang iaalay ang buong pagmamahal ko,
at kahit munting bahagi man lang
ng pagmamahal kong yun...
sana....
nagawa kong maipadama sayo...

Hindi kita kayang pakawalan...
Hindi rin kita kayang layuan...

ang tanging alam ko lang....
ay Mahal Pa Rin Kita!



17 comments:

share with me your thoughts (wyteheart)

Views