Sa kabila ng lahat...

14
10:58:00 PM
sa kabila ng aking katahimikan
hanapin mo ako

sa simula
ng mga tulang hindi mailathala

sa kabila ng aking pag-aalinlangan
hintayin mo ako

sa dulo
ng mga masasakit na salita

sa kabila ng aking pagkukulang
alalahanin mo ako

sa pagitan
ng mga awiting nakakubli sa bawat alaala
















sa kabila ng lahat...

tahimik akong nagsusulat ng mga liham at tula

nag-aalinlangan na mauna
at baka sa muli ay masaktan lang kita

batid ko na ako'y nagkulang, di napapaalala
kung gaano ka kahalaga

ngunit...

sa kabila ng lahat, minamahal kita...

sa simula...
sa dulo...
at sa pagitan...
ng mga katagang,

"di ko na kaya"

Continue reading →

Ikaw At Ako

7
3:41:00 PM
AKO...

tatlong taon
tatlong mahabang taon
mula ng maglakbay akong mag-isa

tatlong tanong
hanggang kailan itatago ang kirot na nararamdaman?
hanggang saan ako dadalhin ng mga nakaw na luha?
kaya ko pa ba magsimula?

anung kulay ba ng takipsilim,
ang nararapat sa munti kong hiling?
anung kislap ba ng bituin,
ang tutugon sa isang panalangin?

ang malungkot na dapit-hapon
ang humihikbing karagatan
ang araw, ang buwan
niyakap nila ng buong buo
ang bawat kwento
ang puso ko...
ang buhay ko...
















IKAW...

tatlong buwan
halos tatlong buwan
mula ng masilayan kita

tatlong tanong
hanggang kailan itatago ang lihim na nararamdaman?
hanggang saan ako dadalhin ng mga nakaw na tingin?
kaya ko na ba magsimula?

sa pinakamakulay na takipsilim
pagtingin mo ang munti kong hiling
sa pinakamakislap na bituin
pagmamahal mo ang nag-iisang panalangin

sa malungkot na dapit-hapon
sa humihikbing karagatan
sa araw, sa buwan
yayakapin kita ng buong buo
ikaw ang kwento
ng puso ko...
ng buhay ko...

Continue reading →

Sa Alon At Sa Hangin

35
7:18:00 AM
Mga salitang minsan ng kinalimutan
sa bawat hampas ng alon 
paisa-isa...
kumakawala sila.

Mga alaalang pilit tinalikuran 
sa ihip ng hangin 
paunti-unti...
sila’y nabubuo muli.














Sa alon,
habang isa-isa ko silang pakakawalan
maari mo ba akong hawakan? 

Sa hangin,
habang unti-unti ko silang bibitawan
sasamahan mo ba akong lalaban?


Continue reading →

Views