sa maikling sandali...

28
12:25:00 PM
Kung sakaling may magmamahal sa akin,
gusto ko mahalin nya ako ng walang dahilan,
nang sa ganung paraan,
wala ring dahilan para ako'y kanyang iwanan..


Kung pagbibigyan ako ng isang pagkakataon
isang kahilingan para sa buong magdamag
pipiliin kong bumalik sa aking kahapon
at kung maari sana ay kasama ka...

Nais kitang isama pabalik sa nakaraan ko
para maipakilala ko sayo ang sarili ko
ang simpleng pamumuhay na meron ako
at ang dalisay na pagmamahal
na minsan ay nanirahan sa puso ko.

Isang saglit lang
para maipadama ko sayo
na bago nawasak itong puso ko
minsan sa buhay ko ay nagmahal din ako ng totoo...
isang gabi lang
para maunawaan mo,
na kaya ako nasaktan ng ganito,
ay dahil pinili kong maging maligaya
ang taong pinakamamahal ko...

Maikling panahon lang
makasama ko ang taong minamahal ko,
kahit sandali lang
hindi ako matatakot yumakap sayo,
at sana sa isang saglit man lang
magawa mong mahalin ako,
gaya ng pagmamahal ko sayo...

Isang hiram na pagkakataon,
para makita mo ang lungkot sa mga mata ko...
Isang maikling sandali sa tabi mo,
para maipadama ko sayo
kung gaano ka kahalaga sa buhay ko...


Sa huling sandali ng gabing yun,
Nawa'y mabigkas ko sayo
ang bawat salitang matagal ko ring pinag-aaralan,
mga liham na nakakubli sa naguguluhan kong isipan,
at mga hikbi na kay tagal kung itinago sa aking kalooban..

At sa huling yugto nitong hiram na sandali,
magawa ko sanang iiyak
ang lahat ng sakit na bumabalot sa puso ko
para bukas sakaling magising man ako,
ay wala ng "IKAW" at LUHAng hahadlang pa
sa panibagong buhay na sisimulan ko...

About the author

Donec non enim in turpis pulvinar facilisis. Ut felis. Praesent dapibus, neque id cursus faucibus. Aenean fermentum, eget tincidunt.

28 comments:

  1. waaaaaaaaaaaaaaaaaaa...
    first post pa lang naiiyak na acoh!!
    ayoko na...
    ansakit sakit...

    bakit ganito. hindi ko sya kayang i-letgo. salamat wyte ha... kahit papaano nailalabas ko ang nararamdaman ko dahil dito sa blog mo. d best ka talaga.

    ReplyDelete
  2. para sa akin ang tunay na pagmamahal dapat walang dahilan, you know why...dahil minahal mo sya ng sobra sobra kung ano man ang katauhan nya.

    madalas tanungin ng Fiancee ko kung bakit mahal na mahal ko sya inspite ng mga pagkukulang nya, and you know what wala akong masabi sa kanya wala akong maibigay na rison kung bakit sobra ko syang mahal.

    Ganun siguro, i cant call my self stupid kasi masaya ako and masaya kami.

    Anonymous 1

    ReplyDelete
  3. Agree ako sau!!!

    para sa tong sobra kong mahal.
    kung alam mo lang ang tunay kong nararamdaman sayo, hindi sana sya ang pinili mo. kaso ang tanga ko eh.. tanga tanga ko talaga.


    sana makausap kita wyteheart.
    dami ko gusto itanong..

    ReplyDelete
  4. hi wyteheart...

    yeah, broken hearted ako before...the man i truly loved and prayed...i lost him...akala ko din hindi ko kaya...but i prayed hard and ask the Lord to give me strength to go on...

    Just like me...I know God has plans for you...and He definitely preparing someone perfectly for you, whom you can spend the rest of your life...you can love again...give your soul again...

    Painful...yeah...pero God will help you along the way...as long as you will let Him be the One to lead you..

    Godbless!

    ReplyDelete
  5. hi wyte,

    hayzzz, kakalungkot naman.. sana nga ako rin pwede kong ibalik ang kahapon ko para malaman ng taong minamahal ko na wagas ang pag-ibig na inalay ko sa kanya, katulad ng sa mga nauna ko nang minahal...

    sana maging OKAY na ang lahat sa atin...

    pasasaan ba't liligaya rin tayo sa piling ng mga taong tunay na magmamahal sa atin at mamahalin din natin..

    ReplyDelete
  6. Wyte my dear, pain is written all over your entry and it saddens me to know that you are hurting again.I know how difficult it is to
    find ourselves in a situation where we seem to be caught between two people we believe we both love. Can it really happen? Well, I guess the answer is yes. There is nothing wrong in caring for a person you once loved wyte. It is only when you expect something in return that bitterness, pain and suffering may creep its way back into your life again.Wyte We all come to crossroads in our lives, a time when we become confused about what to do, specially if t involves emotions. It is your faith in God that will guide you in making the right decision. Never cease in praying for His guidance, for only He knows what is best for us.

    I know that your new found love is glad that it is in her that you found refuge wyte. Let this
    be the best time to show her how much you care for her, that her happiness is also your happiness.=)

    And to Wyte's everdearest "sweetie", You have proven your love beyond all doubt, and I must say that there may not be as many women like you who would be willing to do and give anything just to have her man.It always takes insurmountable patience and understanding to live up to your situation and i salute you for having done so. =)
    When you accepted Wyte, you knew the risks involved. You also knew that you could probably win the game though there was always this chance of losing and getting hurt yet you never gave up, instead you choose to fight and be with the one you love which is the true essence of a relationship.You truly have a big heart and wyte is so lucky to have found you too. =)

    To both of you, no matter how painful life and loving can be, God never fails to give us strength to bear it. He never fails to let the
    sun shine through even during the darkest and stormiest moments in our lives. He makes us fall, not to hurt us, but to teach us that we
    should never give up despite our failures. He makes us cry, not to make us miserable, but to make us realize how important love is. And most of all, he takes away a person from us, not because we don’t deserve him but because he has someone better for us. That’s how it always works, Wyte. Give yourself a chance. You just have to believe that there is still life after losing love and sometimes,that life will be better because it can be shared with someone who’d love you more than anything else in this world and she's just there, you are not alone dear wyte.

    P.S: sorry, napahaba ang comment ko,,hehe! im supposed to just drop by,,hay! Please take care of each other,,**winks** =)

    ReplyDelete
  7. i was speechless for one moment there... u've actually constructed each lines beautifully... u were able to put such painful emotion into words...
    saw ur video..last love letter? had quite the same story...6 long yrs..it's been more than a year now eversince...shudve gotten over it by now but i guess it just keeps haunting u back... no matter how u try to change ur lyf, no matter how u do things differently.. there were times u thot u were over it already but everytime the memories rushes through, u still find it hard to breathe, there's a twinge inside...worst is.. there's just no tears to shed..
    oh well...i guess it's just how it is.. someway somehow.. u'll find a way to get through each day... start picking up the pieces again... ur wings myt still be broken...there's no need to fly anyways...let's take our time... no need to hurry... someday we're gonna soar high through that sky again...

    *iamshelly*

    ReplyDelete
  8. kung meron man akong natutunan ngayon yun ay hindi kayang ipaliwanag ng kung ano man ang pagmamahal. Love is a feeling that makes someone really complete. kung tanungin ka man...ano nakita mo sa akin or ano nakita mo sa kanya? WALA dahil ito ay isang damdamin na kailanman hindi kaynag maipaliwanag ng salita. Kung meron mang salita na higit pa sa PAGMAMAHAL...yun ang nararamdaman ko ngayon para sa taong mahal ko.

    ReplyDelete
  9. wat im feeling right now...
    this is really killing me.. =(

    ReplyDelete
  10. hey my friends saw the video they are amazed, link ex? drop me a message . . .

    ReplyDelete
  11. “LOVE knows no reason, LOVE knows no lie, LOVE defies all reasons, LOVE has no eyes, but LOVE is not BLIND, it sees but its never mind”.

    ReplyDelete
  12. hikakatouch nmn un my fs kb?can you add me up?ilove ur website so much even ur videos on the youtube ito po fs ko tpos po msg ka skn pakilala ka po donna_jane0716@y.c.ph tnx po

    ReplyDelete
  13. i was with the situation of the girl you love.. and it not that i dont love the guy, but theres a lot of things i just need to do.. i cant fight his love, and he is telling me that if i will leave him..he will kill me. love for us will never work out. i think he loves me so much thats why he used to tall me those things.but i want to go on with my life...nasasakal ako.

    ReplyDelete
  14. bro pwd q bang magrab 2??
    super duper tagos tlga sakin... ^^

    ReplyDelete
  15. whew! grbe bee,,,, di ko alam super ganyan kna pala ngaun..

    pro in fairness super artistic and napakaganda ng mga blogs mu..

    wish yah ol da best....=)

    ReplyDelete
  16. waaaaaaaaaaa naka relate ako huh, tumagos sken lahat huh. hirap talaga magmahal.

    ReplyDelete
  17. matagal na rin akong hindi umiiyak...
    matagal ko na ring pinangangatawanan na kinalimutan ko na ang lahat.

    pero sa hindi sinasadyang pagkakataon...
    may magpapaalala sayo na buhay ka...
    na may nararamdaman ka.

    na hindi sa lahat ng panahon...
    ay kahinaan ang pagpapakita ng emosyon.

    kaya sa muli, sa maikling sandali...
    tulad ng tulang ito...
    iiyak ako.

    ReplyDelete
  18. mahirap tlga ang magamahal lalo kung alam mong hiram lng ang bawat sandali.., may mga bagay sa mundo n minsan ang hirap intindihin,, nagmahal ako,nadapa at nasaktan,,sabi nga ng ilan hindi naman namimili ang pagmamahal eh,, kapag dumating sa iyo iyon khit n marami ang hadlang kaya mong ipaglaban ngunit minsan din khit gaano mo kamahal ang isang tao we have to let go him/her hindi para sa ating sarili kundi sa mga taong nakapaligid sa atin kasi in the end khit n mging kayo hindi p rin kayo magiging masaya dahil marami ang nasaktan..
    alam ko time heals alam ko darating din ako sa puntong isang magandang alaala n lamang cya,, kahit paano alam ko naman sa sarili ko n kahit sa maikling sandali naging masaya ako sa piling nya,,,..

    ReplyDelete
  19. alam mo b iyak ako ng iyak s post mo....tuloy2x ang luha ko...ang ganda....

    ReplyDelete
  20. hi..you know what sobrang nakakarelate ako sa posts mo..lahat ng lines mu sapul na sapul ako... kung ang magbabasa eh yung mga taong malapit sakin..mapagkakamalang ako ang nagsulat...ang ganda...ur very talented..keep it up..

    ReplyDelete
  21. how i wish its possible to return back from ur past.. even for a while..

    ReplyDelete
  22. nagpapasalamat ako sau dahil sa taglay mo galing ang dami mong natutulungan tao sa pagbabasa ng mga pinopost mo maraming puso ang muling nabubuksan...thank u

    ReplyDelete
  23. ..nakikita ko sa iyo ang sarili ko...i konw how it feels...like me im still leaving in my past..

    ReplyDelete
  24. i was so tired of crying... i promised myself not to cry again for the same reason... but when i read your blog, i cant control my tears...

    ReplyDelete
  25. ..agree ako dito ..natanong din ako ng hubby ko noon kung bakit ko xa mahal..wala rin akong naisagot...di ko mahagilap kung ano isasagot bsta ang alam ko lang mahal ko xa..hahaissssssss love love love talaga :)

    ReplyDelete
  26. sapul sa puso! nasabi mo kung ano ang laman ng puso ko na kahit isang tao sa paligid ko hindi ko mbanggit kung gaano kasakit at kahirap ang pinagdadaanan ko. alam kong lilipas din lahat to.

    ReplyDelete
  27. bakit ganun..:( subrang nakakarelate talaga ako...naaalala ko 2loy ung x ko nah humingi dn ako ng maikling sandali kahit my new.gf nah cia...kah8 isang araw lng yun..grabeh subrang saya ko nah...

    ReplyDelete
  28. First off I want to say awesome blog! I had a quick question in which
    I'd like to ask if you do not mind. I was interested to know how
    you center yourself and clear your head before writing.
    I have had difficulty clearing my thoughts in getting my ideas out.
    I truly do take pleasure in writing however it just seems like
    the first 10 to 15 minutes tend to be wasted simply just trying to figure out how to begin. Any suggestions or
    hints? Thank you!

    my weblog :: dragon city hack

    ReplyDelete

share with me your thoughts (wyteheart)

Views