Sa araw ng Pasko...

20
7:16:00 PM

Dama ko na ang malamig na simoy ng hangin
Nakikita ko na ang nagkikislapang mga ilaw sa daan
Natatanaw ko na ang mga batang nagkakantahan sa lansangan
At mga taong abala sa nalalapit na pagdiriwang...

Ilang tulog na nga lang…
Pasko na naman…

kung kaya ko lang pigilan ang pasko
kung kaya ko lang pahintuin ang araw sa pagtakbo nito
gagawin ko ng walang alinlangan at buong puso
hanggang sa sandaling ika’y dumating na dito sa piling ko…

paano ako makakapaghanda
kung wala ka para sabihin ang mga bagay na gusto mo
paano ako makakain sa noche buena
kung wala ka para tikman lahat ng mga niluto ko,
ang mga pagkain na minsa'y naging bahagi ng buhay mo..
paano ako makakapagtayo ng malaking Christmas Tree
kung hindi mo rin mabubuksan ang mga regalo sa ilalim nito
mga regalo na buong taon ko ring pinag-ipunan para sayo…

Sa darating na pasko
Maaalala ko muli ang ating nakaraan
Sa araw ng kasiyahan
muling babalik ang tamis ng ating pagmamahalan
sa muli kong pagdiriwang ng pasko
tanging mga alaala mo na lamang
ang syang natitira at makakasama ko
dito sa puso kong minsa'y naging tahanan mo..

kung ipahihintulot ng diyos
nais sana kitang hiramin sa araw ng pasko
gusto ko lang iabot sayo itong munti kong regalo,
yung photo album na gustong gusto kong ibigay sau...
gusto kong punuin natin ito ng mga larawan
at mga alaala sa huling pasko na ating pagsasamahan...

kung sa susunod man ay magkulang ang aking panalangin
at hindi ka na nya muling ipagkaloob sa akin
sapat na ang limampung pahina ng mga larawan
para maging buo at tunay na maligaya
ang susunod pang limampung taon
na malayo ka sa piling ko…

at sapat na ang isang buong araw na mga alaala
para maipagdiriwang ko ng masaya
ang mga susunod pang pasko
na wala ka na sa buhay ko...



Saan ka man naroroon...

Maligayang Pasko Sa'yo Mahal Ko!

About the author

Donec non enim in turpis pulvinar facilisis. Ut felis. Praesent dapibus, neque id cursus faucibus. Aenean fermentum, eget tincidunt.

20 comments:

  1. I am very sorry. Please have me back.

    ReplyDelete
  2. aww. that was sad Bordz.

    who are you referring to?

    he3!


    as always wyte. Luv It!
    :'(

    ReplyDelete
  3. hayzz...nakakaiyak naman un? parang ako nuong time na gustong ibalik ang nakaraan ngunit alam ko hindi ko na kayang ibalik pa ang kung ano man ang nakalipas na.... tanging alaala at mga larawan ng mga masasayang sandali na minsan kong naramdaman,, pero sana try to move on wyte,, try to have life outside your world now, i know it hard but if you just try to do so, you will... akala mo lang hindi mo alam pero makakaya mo rin pagdating ng araw,, tandaan mo.. hindi ka bibigyan ng mga pagsubok na alam nyang di mo kakayanin,, you have to be strong for your family, pero alam ko minsan napapagod din ang lahat,.. but still keep on trying okey,, dont worry your not alone! and i know so do I! THANKS AND GODBLESS YOU!

    ReplyDelete
  4. haiz :(

    lonely na naman xmas ko.

    miss you hon.


    sana masaya ka ngayong pasko.

    ReplyDelete
  5. sa twing binibisita ko tong site mo, lagi mo nalang akong pinapaiyak. Alam ko na sad ang mga entries mo pero naging habit ko na talaga to na sa twing mag-iinternet ako, diretso agad dito sa site mo. Nakakagaan ng feeling na kahit papaano may tao pa palang katulad mo. Sana makatagpo ako ng taong kagaya mo magmahal at sana ikaw din, makita mo na ang taong magpapasaya sayo.

    salamat wyte.
    malaking tulong ka para sa amin para makatayo ulit kami mula sa kabiguan.

    ingat ka palagi.

    Maligayang Pasko!


    cher

    ReplyDelete
  6. wow! just wow!hehehe..

    grabe ka bee kakaiba!=)

    don't worry bee kaya mu yan kw pa..

    smile!=)
    malay mu maging kau ulet

    nakow dapat di ka nya sinaktan!hmp!

    GOD BLESS...

    ReplyDelete
  7. wew... lagi mo nlng aku pina paiyak.. hehe..
    ngatz ka lgi..
    salamat^^

    ReplyDelete
  8. sana lahat ng nagmamahal katulad mo pra wla ng nasasaktan...
    im so down right now,so weak, so tried of crying...need someone to talk to..

    ReplyDelete
  9. Hi! i chanced upon your site when i typed Nina's I Love You Goddbye. Find it good. Too unusual, at least for me, for you to have a blog site about your travelogue in love life. An expressive man, that is good anyway. Hope you will update your account more often. =)

    ReplyDelete
  10. aww ur video makes me cry x


    how sweet are you

    xxx

    ReplyDelete
  11. ei,,,
    continue what u're doin'..
    mdme kmeng nka2relate.. hehe
    ngatz lageh..
    sana 1 tym, maabutan kitang onlyn..
    i want to know you better..

    ReplyDelete
  12. hayz..
    lapit n xmas..
    waaah..
    so sad..
    huhu
    it's really hard to heal a broken heart..
    waaahhh...
    ayoko n.. huhuh,,

    ReplyDelete
  13. hold on lang wyte...di lang ikaw ag magpapasko ng loveless...jan nmn family at mga friends mo...ako nga since birth every mag xmas wala aqng bf...hahaha...sanay na nmn aq dun...lalo n ngaun i'm far to my families and friends...huhuhu lungkot ng pasko ko sa italya...paskong pasko trabaho...wait nga pala c BORDZ b isa sa mga naging inspirasyon mo sa mga post mo dito?hmm....????? kakaintriga ka talaga. god bless mwuah

    ReplyDelete
  14. what dont kill you only makes you stronger, . . . . just always gie what you can, dont push it hard if u cant

    ReplyDelete
  15. i know what exactly what u feel...

    ReplyDelete
  16. im just crying now...ur lines are full of sadness :@ im very very sorry,seems like u r a gud person.
    hope u ll better...u dont deserve all this :((

    ReplyDelete
  17. its been nine months.. hanggang nayon hawak ko pa din ang tanong na bakit ka biglang lumayo at hindi man lng nagpaalam.. sobrang sakit..

    ReplyDelete
  18. Nakakarelate ako dito..

    ReplyDelete

share with me your thoughts (wyteheart)

Views