sayo lamang...

17
2:27:00 PM


kung nasasaktan mo man ako
ako'y nagpapasalamat pa rin
dahil pinapaalala mo sakin
kung gaano kita kamahal...



Patawad,
alam ko marami akong pagkukulang sayo
marami akong mga bagay na nagawa
na hindi mo nagugustuhan...
at may mga nasasabi ako,
na ikinasasama ng iyong kalooban.

Sa kabila ng lahat ng dahilan na ibinibigay ko
para ako'y iwanan mo...
Hindi mo pa rin ako binibitawan..
Hindi mo na kailangang sabihin pa
ang iyong walang katumbas na pagmamahal,
sapagkat dati pa man,
ito'y nadarama ko na...

kahit wala kang binabanggit,
at sinusubukan mong wag nalang magsalita,
alam ko na may dinaramdam ka,
ang totoo nasasaktan din ako
sa tuwing nasasaktan kita....

Sa bawat sambit mo ng salitang "OK"
gustong gusto kitang yakapin
dahil alam kong may lungkot sa likod ng salitang yan,
nais ko lang maramdaman mo na andito pa ako
hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko sayo.

Wag mo sanang isipin
na hindi ko pa rin sya nakakalimutan.
dahil ang totoo matagal na,
pinakawalan ko na ang mga alaala nya,
para bumuo ng panibagong alaala kasama ka.

masaya ako pag andyan ka,
Sa'yo lamang iaalay ang buong pagmamahal ko,
at kahit munting bahagi man lang
ng pagmamahal kong yun...
sana....
nagawa kong maipadama sayo...

Hindi kita kayang pakawalan...
Hindi rin kita kayang layuan...

ang tanging alam ko lang....
ay Mahal Pa Rin Kita!



About the author

Donec non enim in turpis pulvinar facilisis. Ut felis. Praesent dapibus, neque id cursus faucibus. Aenean fermentum, eget tincidunt.

17 comments:

  1. hello wyteheart..

    ang ganda ng blog mo. Medyo nakaka relate ako..

    haaaayyy..

    i wanna tell you something.

    kaso hiya pa ako.

    ReplyDelete
  2. ei...ganda nito..ganito din sana ang nararamdaman ng mahal ko pag nagagalit ako or may hindi kami nagkakaintindihan.and yung feeling gf mo na mahal mo pa rin ex mo, hindi mo maalis sa current gf mo.Sana maintindihan mo rin yung feeling nya katulad ng malaking pag unawang ibinibigay nya sa yo..

    Anonymous 1

    ReplyDelete
  3. ohmygosshhh!! i love ur post! seriously! it makes me sad..nkkrelate akoo:(

    ReplyDelete
  4. Ahhhmmmm it seams that you've moved on already... Good for you... tama yan... try leaving in the present but don't forget the past.. all you have to do is to learn from it... ok?..... Oye Oye... :-D

    ReplyDelete
  5. amazing ang blogs mo,.nice!,.
    nakakareLate ako,.hai,.

    ReplyDelete
  6. this is so nice bee..

    keep it up..

    ka.relate ako ah,,,,

    swerte ng girl na yan ah....

    hmp! she should not hurt you that much....
    'coz you ought to be happy...
    nevertheless wag ka na lang magalit o mainis sa kanya perhaps she has her own reasons of making you happy by letting you go...letting you find and search every footprint that you leave along the way....



    don't worry you're not alone,,,,

    kahit nga ako bee e dying na yong luvlife pro andito pa rin ako go go go fyt!hehehe
    ok lang yan you're turning 21 pa rin naman eh at marami ka pa ring mararanasan at matatagpuan wag ka lang magdali sa buhay, k?hehehe

    4now sarili at family mu muna isipin mu... but i guez this is what life is all about...so ironic...

    ako nga eh kahit walang luvlife bsta maraming true friends na gaya mu super oks na oks na buhay ko, sayaaaaa yeah!heheh tnx!

    il olwez be here.....

    GOD BLESS bee=)

    ReplyDelete
  7. "wag ka lang magdali sa buhay" hehehe...grammatically wrong the word "magdali"... hehe bisaya gee! and correction 22 ka na pla..hehehe

    ReplyDelete
  8. sana ako nalang yang mga babaeng yan.hehe i admire u a lot wyte...
    siguradong ang sobrang sarap mong magmahal..kaso sabi nga nila nakakaumay ang sobra..yan lagi cnsbi skin ng mga friends ko skin coz like you sobra rin aq magmahal halos wala n qng itira sa sarili ko kaya sobrang sakit pagnasaktan ka.kaso wla nmn taung magagawa diba kung un ang nararamdaman ntin choice natin un kaya we need to faced the consequence na kalakip ng pagmamahal na to. anyway bata pa nmn tau madami pa tayong makikilala...everything in this world has a purposed..kaya isipin nalang natin kaya tau lumuha ng dram dram na luha ay dahil may dahilan...un ay upang maging mas matatag tau...god bless you...hope i will meet you someday.. tingin ko kasi mgkakasundo tau parehong sentimental...hahaha mwuahhh god bless you

    ReplyDelete
  9. nice blog, wyteheart.
    nice videos also.
    makes everybody sad.
    but yer cool aa?

    ReplyDelete
  10. gnda poh ng blog nio..^^

    gnyan dn sna nrrmdman nia pra xkin :(

    mahal n mahal q xia..sna lan gnun dn xia..ahaizt..xnxia poh mejo ngemote..

    ngatz poh
    godbless

    ReplyDelete
  11. oh,, super nakarelate aq sa mga nkasulat dito, Thanks ng marami, wyte!

    :)

    ReplyDelete
  12. wyte, san mo ba nakukuha yang mga thoughts mo?/sobrang nakaka strike ah!

    ReplyDelete
  13. hai wyte!!!
    do u mind if i'll copy some of ur poems???

    ReplyDelete
  14. Hi...nice blog...
    Life is fair,yet unfair...hard to understand but we have to,thats the truth in it...
    I add u in FB...hope u accept it

    M'chu

    ReplyDelete
  15. Ur a good poetry...True to life that's make u exist to others...

    M'chu again

    ReplyDelete

share with me your thoughts (wyteheart)

Views