Pag-ibig

2
2:19:00 PM


Marami na ring puso ang tumanggap sa akin...

Marami rin sa akin ay takot makipagkilala.. Ang iba nagsasabi ayaw nilang masaktan,
na iniiwasan nila ako dahil hindi pa sila handa. Na ako ay isang laro lamang at ayaw nilang sumugal dahil natatakot silang matalo. Masakit isipin na sa kabila ng mithiin kong magpasaya, may nalulumbay pa rin dahil sa akin. Hindi ko hangarin ang ikaw ay saktan, at ang makilala ako ay lalong hindi mo kailangang paghandaan.

Matagal na ako sayo'y nagpaparamdam,
subalit ako ay pilit mong iniiwasan.
Alam kong hinihintay mo ako, alam kong kailangan mo ako.
Dama ko ang iyong pagnanais at ang iyong pangungulila,
ngunit ang yung damdamin ay binabalot pa rin ng pag-aalala na baka muli ika'y lumuha ng dahil sa akin.

Nasaksihan ko ang bawat luha na dumaloy sa iyong mga mata.
Narinig ko rin ang bawat pagsigaw at pagtaboy mo sa akin.
Nakalimutan mo na ba na minsan sa buhay mo ay napangiti kita.
Na dati ako ang nagbibigay sayo ng lakas ng minsa'y nawalan ka ng pag-asa. Ang nabibigay saya sa iyong umaga, at nagbibigay kulay sa iyong gabi.

Hindi kita iniwan, hindi kailanman,
nandito lang ako naghihintay na pagbuksan mo ng iyong pintuan.

Akoy nilikha para ikaw ay paligayahin..
ngunit kung sa di sinasadya ika'y nasaktan dahil sakin..
yan ay pagdurusahan ko rin...

PAG-IBIG..

yan ang tawag nila sa akin...


kailan mo ba ako tatanggapin?

About the author

Donec non enim in turpis pulvinar facilisis. Ut felis. Praesent dapibus, neque id cursus faucibus. Aenean fermentum, eget tincidunt.

2 comments:

  1. wow! you're such a poet... I've been there too... i know u can do it.. Look above. you're not alone, you'll never be alone.. He is there. Overcome your emotions. love is more than a feeling, there's more to look through.. Discover. SMILE.

    ReplyDelete

share with me your thoughts (wyteheart)

Views