hanggang dito na lang...

6
3:03:00 PM


Ang laban ng pag-ibig ay minsan ko ng pinasukan. minsan na akong sumugal, lumaban at nakipagsabayan. Nanalo na ako minsan, pero kadalasan umuuwing luhaan. Ang munting pag-asa na balang araw ay magiging masaya din ako ay unti unting natatabunan ng aking mga kahinaan. Minsan sa buhay ko nagmahal ako ng labis.. binigay ko lahat..pagmamahal ko... sarili ko, puso ko, buong buhay ko... lahat lahat... Sabi ko sa sarili ko eto na. sya na nga. subalit akoy nagkamali. gaya ng iba, kinailangan nya ring magpaalam... Oo, masakit... mahirap... hanggang sa hindi ko namamalayan, unti unti ko na palang nawawasak sarili ko.. nasisira na buhay ko, at dahan dahang naglalaho mga pangarap ko... ang masakit walang kahit sinu mang nakakaalam.. wala kahit sinu sa pamilya ko, pati na rin mga kaibigan ko... ang matigas na dingding lang ang tanging nagsisilbi kong sandalan sa mga oras na akoy tinatalo ng aking kahinaan... at tanging ang manipis na unan lang ang syang saksi sa bawat luhang nagpupumilit kumawala sa aking mga mata.

Kinailangan kong iwan ang mga mahal ko sa buhay, sinubukan kong lumayo pansamantala upang hanapin ang sarili ko, para mabuo muli ang aking pagkatao.. para sa akin, para sa mga taong nagmamahal at naghihintay sa aking pagbabalik..

Ilang araw na rin akong nagdaramdam.. nangungulila... umaasa... Ilang gabi na rin akong nakatingin sa mga tala sa madilim na kalangitan. Alam kong isa sa mga nagkikislapang bituin ay lihim akong binabantayan at pinagmamasdan. At sa wakas narinig din nya ang bawat tibok ng aking damdamin.

Matapos ang ilang taong pagdurusa at pag-iisa.
hanggang dito na lang...
ngayun, ikaw ay nandito na..

Hindi kita hiniling, kusa ka nyang binigay sa akin.
dumating ka sa oras na kala ko wala na talagang pag-asa.
Sa isang iglap binago mo takbo ng buhay ko.
sa maikling panahon lang pinakita mo sa akin ang tunay na mundo,
ang mundo na matagal ko na ring hinahanap...
hindi ko alam kong binigay ka nya sa akin para mahalin ako..
o para turuan akong magmahal sa isa pang pagkakataon.

tinulungan mo akong hanapin ang bawat piraso ng aking puso
at dahil sau alam kong mabubuo ko ulit ito.
Nagpapasalamat ako sa kanya, dahil pinahiram ka nya sa akin...

sa bawat bigkas mo ng pangalan ko,
alam kong hindi na ako nag-iisa...
sa bawat ngiting binibigay mo,
alam kong pwede pa pala akong maging masaya,
sa bawat oras na nakakausap kita, alam ko na kaya ko na...

Ibinalik mo ulit ang puso ko, kaya hayaan mong ibahagi ko ito sau...
susubukan kong makalimutan ang lahat...
susubukan kong buksan ulit ang aking puso..
handa na akong magmahal muli..
gagawin ko lahat para maipadama sau kung gaaano ako kasaya at dumating ka sa buhay ko...

sana hindi ka magsasawa...

at sana


hindi ka na mawawala...




About the author

Donec non enim in turpis pulvinar facilisis. Ut felis. Praesent dapibus, neque id cursus faucibus. Aenean fermentum, eget tincidunt.

6 comments:

  1. ang galing mo.. i felt every emotions na sinulat mo..i hope you'll be happy ..everytime i surf the net.. i always browse ur vids.. now your blog..i even thought na ur a girl.. and nasa late twenties na..hehehe..
    obviously..im wrong..

    ReplyDelete
  2. Hard to breathe, feels like floating.

    So full of love, my heart's exploding.

    Mouth is dry, hands are shaking.

    My heart is yours for the taking.

    Acting weird, not myself.

    Dancing around like the Keebler elf.

    Finally time for this poor shlub,

    to know how it feels to fall in lub.


    BORDZ<060808>

    ReplyDelete
  3. love this one.......akong ako yun ha......pero buti ka pa you have found her.....ako? still waiting her.

    ReplyDelete
  4. wow.. truly heart warming

    very inspiring

    days ago i thought my heart will be numb forever
    whole yet broken

    but through this(yr blog)
    i was inspired
    that after the rain -- the sun will shine another day before u know it
    u will fall in love again..

    xxx

    ReplyDelete
  5. ang ganda ng mga poems mo. at ang galing mo pa. ahm. ung ibang poems mo. naranasan ko na. masakit tlga pag nag mahal. sigh..

    ReplyDelete
  6. alam mo ba kgbi ko lng nkita blogs mo d pa sadya...hhmmm..i know my reason why bgla nbasa ko yun..sobra ang lalim ng mga sinasabi mo..i been through that situation hanggang ngayon nrarmdaman ko pa rin yung sakit..yaan mo kwentuhan kita minsan ng npakasakit na love story ko...

    im still in pain...

    ReplyDelete

Views