sa pagluha ng langit...

2
11:49:00 AM

Kay dilim ng paligid...
kay ingay ng patak ng ulan...
kay lamig ng simoy ng hangin....

kasabay sa pagluha ng langit, kumatok ka sa aking pintuan... tulad ng mga ibong naghahanap ng masisilungan, buong puso kitang pinatuloy sa aking munting tahanan... pareho tayung estranghero... hindi kilala ang isa't isa... ngunit sa maikling panahon na tayo'y nagkasama, unti-unti na rin kitang nakikilala... walang sawang kwentuhan... at halakhakang nakikisabay sa ingay ng ulan. mga ngiting pumapawi sa lamig na dulot ng hanging nagpupumilit makapasok sa maliliit na butas ng aking tirahan...

gaya ng nakasanayan, ang ulan ay may hangganan din.
dama ko na unti unti na itong tumitila...
ang ingay na dulot ng bawat patak nito ay unti unti ng nawawala..

tulad ng paru-parong dahan dahan ng nagsisiliparan.
batid ko na oras na rin ng iyong pagpapalaam...
ngayon nga ay aalis ka na, para magpatuloy sa iyong paglalakbay...
parang may patak ng ulan na dumampi sa aking pisngi habang pinagmamasdan ko ang yong paglayo...

salamat sa munting kaligayahang idinulot mo
nung akoy nag-iisa sa gitna ng bagyo...
mawala ka man sa aking pananaw...
manatili naman ang munting pag-asa
na sana sa dulo ng makulay na bahaghari,
tayo'y magkikita pang muli...

At ngayun ay bumabalik na ang tag-ulan..

kakatok ka pa kaya sa aking pintuan???




About the author

Donec non enim in turpis pulvinar facilisis. Ut felis. Praesent dapibus, neque id cursus faucibus. Aenean fermentum, eget tincidunt.

2 comments:

  1. maraming mga bagay na nangyayari hindi natin inaasahan. may dararating, pag-alis nga lang di tiyak kung kilan. tanging pinanghahawakan ay kasiyahan dulot ng kanyang pagdating at kalungkutan dulot ng kanyan pamamarisan. sa saya at lungkot na magkasama, siguro ay okay na.. kaysa sa nakasama mo nga sya, hindi mo naman naramdaman na nandyan pala sya.. isa sa mga sitwasyon talaga sa buhay ang pamamaalam ang pinakamahirap at pinakamasakit.. kung kilan akala mo siya na talaga, pero sa bandang huli hindi pala.. ganyan nga lang talaga cguro ang buhay. may aalis pero siguradong may darating naman. walang nakakaalam kung kilan. pero sa tamang panahon, mamumuo muli ang mga ulap. bibigat at tuluyang papatak muli ang mga ulan..

    ReplyDelete
  2. CREDENDA

    By: Og Mandino

    Turn away from the crowd and its fruitless pursuit of fame and gold. Never look back as you close your door to the sorry tumult of greed and ambition. Wipe away your tears of failure and misfortune. Lay aside your heavy load and rest until your heart is still.

    Be at Peace. Already it is later than you think, for your earthly life, at best, is only the blink of any eye between two eternities.

    Be Unafraid. Nothing here can harm you except yourself. Do that which you dread, and cherish those victories with pride. Concentrate your energy. To be everywhere is to be nowhere. Be jealous of your time, since it is your greatest treasure.

    Reconsider your goals. Before you set your heart too much on anything, examine how happy they are who already possess what you desire.

    Love your family and count your blessings. Reflect on how eagerly they would be sought if you did not have them.

    Put aside your impossible dreams and complete the tasks at hand. No matter how distasteful. All great achievements came from working and waiting.

    Be Patient. God's delays are never God's denials. Hold on. Hold Fast. Know that your paymaster is always near. What you sow, good or evil, that you will reap.

    Never blame your conditions on others. You are what your choice alone. Learn to live to honest poverty, if you must and turn to more important matters, than transporting gold to your grave.

    Never meet trouble halfway. Anxiety is the rust of life. When you add tomorrow's burden to today, their weight becomes unbearable. Avoid the mourner's bench and give thanks instead, for your defeats, you would not receive them if you did not need them.

    Always learn from others. He who teaches himself has a fool for a master.

    Be careful. Do not overload your conscience. Conduct your life as if it were spent in an arena of talents. Avoid boasting. If you see anything that puffs you with pride, look closer and you will find more than enough to make you humble.

    Be wise. Realize that all men are not created equal for there is no equality in nature. Yet no man was ever born whose work was not born with him. Work everyday as if it were your first, yet tenderly treat the lives you touch as if they will end at midnight.

    Love everyone, even those who deny you for hate is a luxury you can't afford. Seek out those in need.

    Learn that he who delivers with one head will always gather in two.

    Be of good cheer.

    Above all, remember that very little is needed to make a happy life.

    Look up, reach out. Cling simply to God and journey quietly on our pathway to forever with charity and a smile.

    When you depart it will be said by all that your legacy was a better world than the one you found.

    ReplyDelete

share with me your thoughts (wyteheart)

Views