Mahal kong Ama...

3
11:20:00 AM

Lahat ng bagay na meron ako..
Lahat ng taong minamahal ko…
Ang buong buhay ko…
Lahat ng ito’y hiram ko lang po sa inyo…

Batid ko na ang lahat ng ito ay panandalian lamang,
at balang araw, ibabalik ko rin sa inyo lahat ng pinahiram nyo sa akin…
nais ko lang malaman nyo na lahat ng biyayang pinagkaloob nyo sa akin…
ay buong puso ko pong iniingatan…
Sa lahat ng ito, ako po ay lubos na nagpapasalamat..

Salamat sa mga taong nagmamahal sa akin,
Sa pamilya ko…
Alam kong labis silang nag-aalala sa akin ngayun…
Ibulong nyo po sana sa kanila ang pagmamahal
na kay tagal ko na ring gustong sabihin…
Wag nyo po silang pababayaan…
Sila po ang buhay ko…

Salamat at minsan sa buhay ko ipinagkaloob mo sakin
Ang isang taong matagal ko na ring hinihintay…
Isang taong magmamahal sa akin…
Isang taong binago ang takbo ng buhay ko…
Isang taong mahal na mahal ko…

masaya po ako sa pagmamahal sa kanya...

Ngunit gaya ng iba, sya ay hiniram ko lang din..
At alam kong darating din ang panahon
Na kailangan ko na syang ibalik sa inyo…
Hindi ko alam kong hanggang kelan..
Ngunit batid ko na ang lahat ay ayun sa iyong kagustuhan…

Mahal kong AMA,
Ako po ay may munting kahilingan…
Pagdating ng panahon na kailangan ko na silang isuko sa inyo…
Sana po ay ipadama nyo sa kanila ang pagmamahal ko,
Ang pagmamahal na buong puso kong inaalay…
At wag nyo po sana akong burahin sa alaala nila...

Hayaan nyo po sanang mahalin ko sila…
Hayaan nyo po akong masaktan…
Hayaan nyo po akong lumuha…


Yun lang Aking AMA,

Kaligayan ko na po ang mabuhay sa kanilang mga alaala…



About the author

Donec non enim in turpis pulvinar facilisis. Ut felis. Praesent dapibus, neque id cursus faucibus. Aenean fermentum, eget tincidunt.

3 comments:

  1. sana makita mo uli ang hinahahanap mo kaligayahan at sana makita mo ang tao na pupuno ng saya sayong puso god bless u.....

    ReplyDelete
  2. sana makita mo uli ang hinahahanap mo kaligayahan at sana makita mo ang tao na pupuno ng saya sayong puso god bless u.....

    ReplyDelete
  3. napaganda ng mga sinulat mo,dama ko ang kalungkutan na nagmumula sa puso mo gaya mo nagsusulat din ako mula sa puso kaya naiintindihan kita.dasal ko na haplusin ng panginoon ang puso upnag maghilom sa lahat ng sakit at lungkot.takecare and godbless

    abby28_entia@yahoo.com

    ReplyDelete

share with me your thoughts (wyteheart)

Views