Ikaw At Ako

7
3:41:00 PM
AKO...

tatlong taon
tatlong mahabang taon
mula ng maglakbay akong mag-isa

tatlong tanong
hanggang kailan itatago ang kirot na nararamdaman?
hanggang saan ako dadalhin ng mga nakaw na luha?
kaya ko pa ba magsimula?

anung kulay ba ng takipsilim,
ang nararapat sa munti kong hiling?
anung kislap ba ng bituin,
ang tutugon sa isang panalangin?

ang malungkot na dapit-hapon
ang humihikbing karagatan
ang araw, ang buwan
niyakap nila ng buong buo
ang bawat kwento
ang puso ko...
ang buhay ko...
















IKAW...

tatlong buwan
halos tatlong buwan
mula ng masilayan kita

tatlong tanong
hanggang kailan itatago ang lihim na nararamdaman?
hanggang saan ako dadalhin ng mga nakaw na tingin?
kaya ko na ba magsimula?

sa pinakamakulay na takipsilim
pagtingin mo ang munti kong hiling
sa pinakamakislap na bituin
pagmamahal mo ang nag-iisang panalangin

sa malungkot na dapit-hapon
sa humihikbing karagatan
sa araw, sa buwan
yayakapin kita ng buong buo
ikaw ang kwento
ng puso ko...
ng buhay ko...

About the author

Donec non enim in turpis pulvinar facilisis. Ut felis. Praesent dapibus, neque id cursus faucibus. Aenean fermentum, eget tincidunt.

7 comments:

  1. Enjoyed reading through this, very good stuff, regards.

    ReplyDelete
  2. I'm extremely pleased to find this page. I need too to thank you foor yourr
    time for this wonderful read!! I definitely really liked every little
    bit of it and I have you book marked to see new stuff in your
    site.

    ReplyDelete
  3. Excellent job over again. Thank you.

    ReplyDelete
  4. Alam mo ba? Eight years ago na simula nung nadiscover ko ang blog mo. Second year college pa lang ako nun. Dahil sa How Do You Heal a Broken Heart. Nakakaiyak pa rin hanggang ngayon.

    ReplyDelete

Views