Para sa'yo mahal kong Ina...

5
11:57:00 PM

Natatandaan ko pa nung sinabi nyo sa akin to...

"alam ko na pinalaki kita ng maayos,
na isang mabuting tao,
kaya wala akong dapat ipag-alala,
kung sakali man na ika'y magpasyang lumayo
para hanapin ang kaligayahang nawala sayo..."


Hindi ko man masabi sa inyo kung gaano ako nagpapasalamat
at kayo ang naging magulang ko,
Nais ko lang malaman nyo
na sa bawat madilim na daang tinatahak ko,
sa bawat saya at lungkot na pinagdaanan ko,
at sa bawat pagsubok na hinarap ko ng mag-isa
ang pagmamahal at paniniwala nyo sa akin,
ang syang tangi kong kinakapitan...

Alam kong medyo nagtatampo kayo sa akin ngayon,
at alam kong lubos kayong nag-aalala sa aking pagkawala,
Nais ko lang humingi ng paumanhin sa inyo at sa mga kapatid ko...
kung medyo naging matagal yung pagpapagaling ko...

Sa unang pagkakataon ay hinayaan nyo akong maging malaya..
ilang araw din ang tinitiis ko sa matinding pangungulila sa inyo,
sana kasama ko pa rin kayo dito ngayon...
sana katabi ko kayo sa oras na ako'y kakain
sana nakakakwentuhan ko kayo bago ako matulog...
at sana ngiti nyo pa rin ang una kong nakikita
sa bawat umaga na ako'y gumigising...

hindi po madali ang mag-isa,
nahihirapan ako, pero alam ko na kakayanin ko rin 'to.
Pasensya na po kung hindi ako pumapayag na tumawag kayo,
alam ko kasi na nahihirapan na rin kayo dyan,
ayaw kong gumastos pa kayo..
Pasensya na rin po kung hindi man ako tumatawag sa inyo,
alam ko kasi na iiyak lang kayo pag makakausap nyo ako eh.
miss na miss ko na po kayo...

wag po kayong mag-alala,
makakauwi rin po ako balang araw...
babalik din po ako dyan...
alam kong nasasabik na kayong makita ulit ang panganay nyo..

alam ko na wala po kayong ideya sa mga ginagawa ko dito.
nais ko lang po na malaman nyo,
na ginagawa ko po lahat ma,
hindi po ako naging pasaway dito,
naging mabait po ako sa lahat ng taong nakakaharap ko,

mahal na mahal ko po kayo,
si papa at mga kapatid ko...
lahat po ng ito ay ginagawa at tinitiis ko,
para sa inyo, sa pamilya ko...

alam kong hindi ko mapapantayan ang pagmamahal at pag-aaruga
na sa akin ay inalay nyo...
nais ko lang pong malaman nyo,
na hangad kong mapaligaya kayo sa paraang alam ko...

mama,
sinusubukan ko pong maging isang mabuting tao...
para po sa inyo,
para sa pagdating ng panahon na magkakasama ulit tayo
ay maipagmamalaki nyo po ako...

maraming salamat po..

About the author

Donec non enim in turpis pulvinar facilisis. Ut felis. Praesent dapibus, neque id cursus faucibus. Aenean fermentum, eget tincidunt.

5 comments:

  1. I tried but i failed, routine is routine...so here i am again, i hope you don't mind =)

    Wyte,Parents would only want the best for their children. That is one general fact that we cannot contest. we may stumble and hurt them in the process of finding ourselves but there is no mountain so high that a mother's love cannot climb over. There is no sea so wide that it cannot cross. Other things may change us, but we start and end with family.

    I'm sure wherever your parents maybe right now, they are very proud of having you as their son, you know why? because if you look deeply into the palm of your hand, you will see your parents and all generations of your ancestors. All of them are alive in this moment. Each is present in your body. You are the continuation of each of these people and you are having a good job so far, your are making them truly proud. =)

    You have been blessed with parents who trusts you with their heart and siblings who look up to you as their source of strength and inspiration and because of them You have become the person that they wanted you to be, a good son, a good brother and a wonderful person inside out.

    Continue to Love your family selflessly and Be happy for you've been blessed to have them in your life. May God be with you wyte and I pray that your family may embrace you in acceptance, forgiveness and love and that you hold them with love in your arms in the days to come , in the days to eternity. =)

    ReplyDelete
  2. Ang swerte ko talaga. Alam kong di nila maiintindihan kung bat ko nasabi ito pero alam kong alam mo ang sagot.

    ReplyDelete
  3. Mr. wyte...,i know u more dan otherz knew u...
    m happy for wat u hav now...
    i was touched evry lines on dat poem...i know how much u love ur family...nd i can prove dat.i underztand y u did ol theze things..bec.i know deep nside u dat u want to xplore more things apart from ur luvdonez..u want 2 help ur family n other wayz..ur a vry gud friend ever..
    tc permi.

    ReplyDelete
  4. wythe,makahilak man pod ko nmo oi?...

    ReplyDelete
  5. Sarap niya basahin :(
    Nakakarelate Ako ..

    Keep on Writing a Masterpiece like This !

    ReplyDelete

share with me your thoughts (wyteheart)

Views