Ang laban ng pag-ibig ay minsan ko ng pinasukan. minsan na akong sumugal, lumaban at nakipagsabayan. Nanalo na ako minsan, pero kadalasan umuuwing luhaan. Ang munting pag-asa na balang araw ay magiging masaya din ako ay unti unting natatabunan ng aking mga kahinaan. Minsan sa buhay ko nagmahal ako ng labis.. binigay ko lahat..pagmamahal ko... sarili ko, puso ko, buong buhay ko... lahat lahat... Sabi ko sa sarili ko eto na. sya na nga. subalit akoy nagkamali. gaya ng iba, kinailangan nya ring magpaalam... Oo, masakit... mahirap... hanggang sa hindi ko namamalayan, unti unti ko na palang nawawasak sarili ko.. nasisira na buhay ko, at dahan dahang naglalaho mga pangarap ko... ang masakit walang kahit sinu mang nakakaalam.. wala kahit sinu sa pamilya ko, pati na rin mga kaibigan ko... ang matigas na dingding lang ang tanging nagsisilbi kong sandalan sa mga oras na akoy tinatalo ng aking kahinaan... at tanging ang manipis na unan lang ang syang saksi sa bawat luhang nagpupumilit kumawala sa aking mga mata.
Kinailangan kong iwan ang mga mahal ko sa buhay, sinubukan kong lumayo pansamantala upang hanapin ang sarili ko, para mabuo muli ang aking pagkatao.. para sa akin, para sa mga taong nagmamahal at naghihintay sa aking pagbabalik..
Ilang araw na rin akong nagdaramdam.. nangungulila... umaasa... Ilang gabi na rin akong nakatingin sa mga tala sa madilim na kalangitan. Alam kong isa sa mga nagkikislapang bituin ay lihim akong binabantayan at pinagmamasdan. At sa wakas narinig din nya ang bawat tibok ng aking damdamin.
Matapos ang ilang taong pagdurusa at pag-iisa.
hanggang dito na lang...
ngayun, ikaw ay nandito na..
Hindi kita hiniling, kusa ka nyang binigay sa akin.
dumating ka sa oras na kala ko wala na talagang pag-asa.
Sa isang iglap binago mo takbo ng buhay ko.
sa maikling panahon lang pinakita mo sa akin ang tunay na mundo,
ang mundo na matagal ko na ring hinahanap...
hindi ko alam kong binigay ka nya sa akin para mahalin ako..
o para turuan akong magmahal sa isa pang pagkakataon.
tinulungan mo akong hanapin ang bawat piraso ng aking puso
at dahil sau alam kong mabubuo ko ulit ito.
Nagpapasalamat ako sa kanya, dahil pinahiram ka nya sa akin...
sa bawat bigkas mo ng pangalan ko,
alam kong hindi na ako nag-iisa...
sa bawat ngiting binibigay mo,
alam kong pwede pa pala akong maging masaya,
sa bawat oras na nakakausap kita, alam ko na kaya ko na...
Ibinalik mo ulit ang puso ko, kaya hayaan mong ibahagi ko ito sau...
susubukan kong makalimutan ang lahat...
susubukan kong buksan ulit ang aking puso..
handa na akong magmahal muli..
gagawin ko lahat para maipadama sau kung gaaano ako kasaya at dumating ka sa buhay ko...
sana hindi ka magsasawa...
at sana…
hindi ka na mawawala...
8 comments: